Unang Balita sa Unang Hirit: March 02, 2022 [HD]

2022-03-02 1

Narito ang mga nangungunang balita ngayong MIYERKOLES, MARCH 2, 2022:

Kita ng mga driver, lumaki na | Mga pasahero, dodoblehin na lang daw ang pag-iingat
P6,500 na fuel subsidy para sa mga PUV, aprubado na ng LTFRB at DOTr
2 snatcher umano, huli
Baclaran Church, dinayo ng marami ngayong Ash Wednesday
Pagsusunog ng palaspas para maging abo, ginawa bilang paghahanda sa Ash Wednesday
13 Pilipinong lumikas mula sa gulo sa Ukraine, nakauwi na
Dating lady guard, hinahangaan dahil sa pagliligtas sa mga pusa sa daan
Rocco Nacino, muntik nang mabiktima ng 'poser' ni Gabby Eigenmann
Dalawang sangkot umano sa pambibiktima sa online sellers, arestado
2 babae, patay matapos pagsasaksakin ng dating karelasyon umano ng isa sa mga biktima
Ash Wednesday sa Baclaran Church | Ang Ash Wednesday ay hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma | Ngayong alert level 1 na sa NCR, pinayagan na ulit ang pagpapahid ng abo sa noo | May 20 stations sa compound ng simbahan para sa pagpapahid ng abo | Social distancing at pagsusuot ng face mask, ipinatutupad pa rin | Pagpapahid ng abo sa Baclaran Church, nagsimula na
Sen. Lacson at Sen. Sotto, isinusulong ang digitalized transactions para iwas-korapsyon | Lacson-Sotto tandem, kinokondena ang pag-atake ng Russia sa Ukraine | Bongbong Marcos, hindi pa masabi kung dadalo sa debate ng Comelec | Mayor Duterte, hindi rin tiyak kung sasali sa mga susunod na VP debates | Motorcade ni Mayor Moreno sa Caloocan, naunsyami | Mayor Moreno: Welcome sa Maynila ang mga kandidato | Moreno-Ong tandem, humarap sa mga residente ng Malabon | VP Robredo: Dapat isulong ang katotohanan sa gitna ng pagpapakalat ng maling impormasyon | Sen. Pangilinan, hinimok ang mga botante na tingnan ang track record ng mga kandidato | Sen. Pacquiao, hiniling na tanggalin ang ilang COVID restriction sa pangangampanya | Pacquiao: mareresolba ang gulo ng Ukraine at Russia kung mag-uusap | Pacquiao: Pagsugpo sa katiwalian, isa sa mga solusyon sa kahirapan | Dr. Montemayor, planong ayusin ang healthcare system sa bansa | De Guzman, hinikayat ang ibang kandidato na maging eco-friendly sa pangangampanya | De Guzman-Bello tandem, dumalo sa forum ng Pasig Civil Society Organization | Abella, prayoridad solusyunan ang problema sa gutom | Serapio, nais daw palawakin ang relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa
Mga may-ari ng karinderya, apektado sa patuloy na pagmahal ng mga bilihin